My Avenue | Romeo Mataac Jr

More Fun In Travelling

Dahil Sila Ay Babae

Courtesy from Helpful.Com

Ang mga babae, madaldal at mabunganga. Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-ratsada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila say iyo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanong sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi malate at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sa iyo at tinatanong kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo na lang eh “Oo”, “Hindi” at “Pwede”. Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Ang romantic siguro ng buhay n’yo noon. Ang mga babae, masyadong sentimental. Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan ninyong dalawa, talo pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Okay lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganon. Iyong tipong i-a-asa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lamang sa wall mo ng “Happy Birthday!”

Ang mga babae, emosyonal. They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang natin lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o hindi naman kaya eh magpapakalasing tapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Hindi ba mas logical iyon?

Minsan pa, madalas mag imagine ang mga babae na ikakasal sila sa simbahan. Laging nag a-i love you, i miss you, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nakokornihan? Ayos lang iyan. Darating din siguro ang panahon na titigil sila at isesend ang mga iyon sa iba. Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sa akin, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi tayong mga lalake, we’re meant to pursue them and it’s okay if we fail from time to time. It’s the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng mundo sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang iyong masasaktan. Eh sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng “dalaw”, sumasakit ang puson kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng nine months, at pinakamatindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kilikili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing “scar-free” ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great girl, do everything to make her happy. Don’t ever break her heart. Huwag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalaki kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papulasyon nila sa mundo, napakaliit ng tsansang makakilala ka ulit ng katulad niya na magtityaga sa iyo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwi sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo. xoxo

Author: Romeo Mataac, Jr.

Romeo A. Mataac, Jr. is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, grew up in the town of Torrijos, province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities.

Comments are closed.