Unsung Heroes of Marinduque

Hongkong Disneyland

Ang aking paglakwatsa, ika nga ni ama, sa mga bansang dating Kolonya ng Britanya at Portugal, Hongkong and Macau respectively, ay isang karanasang bagay na hindi ko makalilimutan. Isang alaalang puno ng kasiyahan, malutong na tawanan, konting sisihan, maraming kwentuhan at umaatikabong na kodakan. Isang alaalang puno ng pagpupugay at pasasalamat. Pagpupugay sa mga taong isinasakripisyo ang buhay, nagtitiis ng lungkot, sapagkat sa pamilya ay matagal na nawalay, upang sa ibayong dagat, magbatak ng sarili at doon maghanap-buhay. Ang puyat at pagal na katawan ay hindi alintana dahil kailangang mabigyan ng kaunting alwan, sapat na pagkain at tamang edukasyon ang kanilang mga inspirasyon, mga anak, magulang, asawa at mga kapatid. Sila nga ang mga bayani ng bagong henerasyon, na tahimik na lamang na lumuluha sa silid na mapanglaw, kapag ang ‘homesick’ at pagsubok ay dumaratal. Sila nga ang mga unsung heroes ng ating lipunan, na tahimik na lamang na nagdarasal at umuusal ng panalangin sa Poong Maykapal upang ang lahat ng ito ay kanilang malagpasan.

Pasasalamat, sapagkat sa munting sandali na kayo ay aking nakaulayaw, ipinadama n’yo sa amin, sa akin ang pagmamahal. Salamat sa pag-a-asikaso, pagtuturo ng tamaang daan at lugar upang diyan ay hindi maligaw, pero naligaw pa rin sa Macau. (lols) Salamat sa pagkaing libre. Salamat sa pamasahe sa Taxi lalo’t higit salamat sa oras at pagpapahalaga. Salamat Xhan Briones, Tita Onnie, Ate Arlene Permejo at sa lahat ng bumubuo ng Marinduque Migrant Workers Association na aming nakasama sa isang araw na pagliliwaliw. Ako po ay taas noong sumasaludo sa inyo. Sa lahat ng OFW’s, Mabuhay po kayo!

Click here for more photos.

Ang Bata At Ang Barbero

Barbero at si Otoy

May Isang Bata Na Nagpagupit Sa Barbero
Barbero : Otoy, Alam mo hindi ako naniniwalang may Diyos.
Bata : Bakit naman po?
Barbero : Tingin ka sa labas, ang daming taong may problema. Kung may Diyos, eh di sana inayos na Nya lahat ng problema.
Bata : Ganon po? Ako din po, hindi ako naniniwalang may barbero.
Barbero : Ha! Bakit naman?
Bata : Tingin po kayo sa labas. Kasi kung may barbero, bakit ang daming mahaba ang buhok?
Barbero : Eh, hindi ko naman sila pwedeng gupitan kung ayaw nila.
Bata : Ganon din po si God, hindi Niya maaayos ang buhay natin kung ayaw nating lumapit sa Kanya.

Ang Basura At Ang Taxi Driver

Kwento ng isang pasahero.

An MGE Toyota Corolla Taxi

An MGE Toyota Corolla Taxi

Habang nakasakay ako sa taxi, masaya kaming nagkukuwentuhan ng driver, nang may biglang tumawid sa aming dinadaanan. Hindi agad nakapreno ang driver, pero iniwasan niya ito para hindi mabangga ang tumawid at sa di inaasahang pagkakataon, may kasunod pala kami na mabilis ang takbo. Muntik na niya kaming mabangga. Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama pero bumaba ang driver na muntik ng

bumangga sa amin at pinagmumura niya ang katabi kong driver. Ang ipinagtaka ko lang, hindi ko kinakitaan ng galit ang katabi kong driver, sa halip nakangiti pa rin ito at panay ang hingi ng paumanhin. Higit sa lahat yung taong tumawid na pinagmulan ng lahat ay tinanong pa ng katabi kong driver kung ok lang ba ito at sinabihan pa na mag-ingat ka sa pagtawid sa mahinahong salita at may ngiti sa labi. Nagpatuloy ang aming paglalakbay. Tinanong ko ang driver kung bakit hindi siya nagalit at kung bakit hindi niya pinatulan yung taong nagmura sa kanya.

Ito ang sagot niya. “Alam mo masyadong maikli ang buhay para lang ilaan natin ito sa lungkot at pighati. Dapat magpakasaya tayo, iyon naman ang gusto ng bawat isa sa atin ang maging masaya. Ang mga PROBLEMA, LUNGKOT, INGGIT, SAMA NG LOOB, HINANAKIT at GALIT ay para yang mga BASURA.

Dala-dala ng bawat isa sa atin ang mga basurang iyan at minsan itinatapon at inilalabas yan ng tao so kung minura man niya ako kanina, ibig sabihin itinapon lang niya mga basura sa akin, eh bakit ko naman iyon pupulutin? Hindi ko naman siya kailangang patulan. Ayokong mapuno ako ng basura at mabulok ang pagkatao ko. Dapat kasi pinupuno natin ang ating sarili ng mga magaganda at masasayang bagay. Hindi tayo dapat nag-iipon ng basura at lalo na huwag mong dadamputin ang mga basurang itinapon na ng iba. WOW! Napahanga ako doon. Isang paglalakbay na kinapulutan ko ng aral.

Aral:

Huwag mag-ipon ng basura at huwag dins damputin ang basura na itinapon na ng iba. Ang ipunin at damputin natin ay iyong mga bagay na alam nating mahalaga at makakapagbigay sa atin ng ligaya.

Change, Don’t Complain by Joyce Meyer

Why am I always complaining?

Why am I always complaining?

All things are legitimate [permissible—and we are free to do anything we please], but not all things are helpful (expedient, profitable, and wholesome). All things are legitimate, but not all things are constructive [to character] and edifying [to spiritual life]. —1 Corinthians 10:23

People complain about stress, but some people would rather complain than change. It is easy to be frightened at the thought of jumping off life’s high-speed treadmill, especially if you aren’t sure what to give up in order to slow down your life.

God wants you to enjoy a beautiful life with simplicity, sanity, and clear direction. That only comes by spending time with Him, reading His Word, talking to Him, and listening for His response. If you are too busy to get alone with Him each day, then set some boundaries in your life. Say no to whatever is keeping you from starting your day with God.

Talumpati Sa Aking Pagtatapos

*This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering.

Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

A graduation ceremony is an event where the commencement speaker tells thousands of students dressed in identical caps and gowns that “individuality” is the key to success. -Robert Orben

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito. Continue reading

Dahil Sila Ay Babae

Courtesy from Helpful.Com

Ang mga babae, madaldal at mabunganga. Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-ratsada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila say iyo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanong sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi malate at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sa iyo at tinatanong kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo na lang eh “Oo”, “Hindi” at “Pwede”. Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Ang romantic siguro ng buhay n’yo noon. Ang mga babae, masyadong sentimental. Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan ninyong dalawa, talo pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Okay lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganon. Iyong tipong i-a-asa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lamang sa wall mo ng “Happy Birthday!” Continue reading